Lason Reprise

• Written by 

Habang lumilipas ang oras, mga ala-ala ay naaalikabukan
Mabilis lumipas ang oras, lumuluma lang ang katawan
Panibagong araw, ang paglaya ay parang hagdan
Na mahirap akyatin dahil matamlay ang pakiramdam
Kahit ang tuktok ay di makita, lubos pa rin ang paniniwala
Paghihinala sa aking dinadama, pero ako’y hinihila
At aking inaalala kung san ako nagsimula
Punawiin ang mga bagay na nagbubulok sa akin
 
Higpitan mo ang iyong kapit bago pa man mawala
Kundi ikaw ay madadapit sa isang dagat na malawak
Nakaukil sa Narra and mga dinadatnang pagsubok
Ikuyom ang iyong kamay at wag mag-antay sa isang sulok
Angat ang iba sa pag-husga dahil takot ang marami
At sa totoo lang ako rin mismo’y takot sa tangay ng buhawi
Takot na dumating ang araw na maging katulad nila ako
Kaya sinusubukan kong ituwid ang pagtanaw, tumanaw nang derecho
Katha ang lumigaya sa taong ipit ang dila
Uusbong ang puno para sa mga nagdadala ng kusa
 
Di makapag-isip nang mabuti, utak na puno ng usok mula sa yosi
Ang pantas raw ay lalong lalalim habang tumatanda
Gawa gawa lang yan, kasi pare-pareho naman ang antas ng lahat
Yang tahimik mong buhay parang ginapos kang aso
Heto lang napuna ko
Na habang nilalagalap ang lahat ng aking tapang
Nakita ko ang takot sa mata ng iba
Ayoko na, kaya nagmakaawang pigilan na muna
Ang pananalig, ang siyang nagbalik sa aking pinanggalingan
Kung di ko man marating ang nais marating, basta sinubukan
Mas mabuti pa iyon kesa maging kabibing walang laman
Kaya kung ako ay iyong tatawanan, sige lang tumawa ka diyan
Magpanggap kang nagaalala ka para sa akin
habang tinatabunan mo ang sarili mong mga pagkakamali
Kung ayaw mong masaktan, wag ka nang umimik
Sentido kumon lang yan
Takot kasi ang anaesthesia ng buhay na ito
Ngunit pupuriin ko pa rin ang mga sumasalo ng sugat mo
At tititigan ko sa mata ang mga nagpapatalas ng pansugat mo
 
Minsan, nalaglag ako sa bangin na malalim
Nagkunwari akong ayos lang ang lahat, sa mga nagtanong sa akin
Sariling pagkayamot at dangal ay aking hinalo
Umiiyak sa harap ng salamin habang nakataas ang nguso
Alam kong may tagas ang paso ng aking pagkahumaling
Mga bagay na ayaw, gusto o dapat gawin
Naalala ang lahat ng aking mga nagawa, heto ba’y pamahiin
Hindi ko na maramdaman ang kahit ano nang matino
Baluktot na baluktot ang aking pagkatao
At kahit itambak ko pa ang lahat maruming budhi ng aking puso
Ay tiyak na babalik at balikan lang naman ako
Kaya pilit kong hinanap ang tugon na para bang baliw na tao
Ang tahimik na buhay, isang bagay na hindi para sa akin
Sa lakas ng aking boses ay nagtago ang sariling takot
Sa lahat ng kausap, ako'y nagmataas
Ako'y naligaw, ako'y nahihilo
Di nga ako sigurado kung meron ba talagang naging kaibigan
Di mapaniwalaan ang lagay ng buhay
at di rin makapaniwala na nasisira ang buhay
Di ko makamit ang malinaw na sagot at sa sobrang tagal
ay wala na sigurong lunas na sisipol sa aking konsyensiya
At kahit magpahinga pa buong araw ay sadyang pagod pa rin
Balisa at mapang-aping kahapon ang dumurog sa akin
Dahil mula sa bula, patibong at portuna darating ang tukso
At iiwanan akong habang-buhay na ulyanin
Kaya
 
Higpitan mo ang iyong kapit bago pa man mawala
Kundi ikaw ay madadapit sa isang dagat na malawak
Nakaukil sa Narra and mga dinadatnang pagsubok
Ikuyom ang iyong kamay at wag mag-antay sa isang sulok
 
Masyadong maraming mahalangang bagay ang biglaang maglalaho.
Sa pagmamadali ko,
hindi ko na alam kung sino ba talaga ako,
kung ano ba talaga ako
at kung saan ba dapat ako.

Feedback & Comments

About the Artist

ignatiusblack
Member since July 28 2014

View the Blueprint (B)


Cookin' something up, just wait a sec...