BUILDING BLUEPRINT

Next level lyrical insight is a moment away.

Lyrical Analysis of...

Lason Reprise

  1. Habang lumilipas ang oras, mga ala ala ay naaalikabukan
  2. Mabilis lumipas ang oras, lumuluma lang ang katawan
  3. Panibagong araw, ang paglaya ay parang hagdan
  4. Na mahirap akyatin dahil matamlay ang pakiramdam
  5. Kahit ang tuktok ay di makita, lubos pa rin ang paniniwala
  6. Paghihinala sa aking dinadama, pero ako’y hinihila
  7. At aking inaalala kung san ako nagsimula
  8. Punawiin ang mga bagay na nagbubulok sa akin
  9.  
  10. Higpitan mo ang iyong kapit bago pa man mawala
  11. Kundi ikaw ay madadapit sa isang dagat na malawak
  12. Nakaukil sa Narra and mga dinadatnang pagsubok
  13. Ikuyom ang iyong kamay at wag mag antay sa isang sulok
  14. Angat ang iba sa pag husga dahil takot ang marami
  15. At sa totoo lang ako rin mismo’y takot sa tangay ng buhawi
  16. Takot na dumating ang araw na maging katulad nila ako
  17. Kaya sinusubukan kong ituwid ang pagtanaw, tumanaw nang derecho
  18. Katha ang lumigaya sa taong ipit ang dila
  19. Uusbong ang puno para sa mga nagdadala ng kusa
  20.  
  21. Di makapag isip nang mabuti, utak na puno ng usok mula sa yosi
  22. Ang pantas raw ay lalong lalalim habang tumatanda
  23. Gawa gawa lang yan, kasi pare pareho naman ang antas ng lahat
  24. Yang tahimik mong buhay parang ginapos kang aso
  25. Heto lang napuna ko
  26. Na habang nilalagalap ang lahat ng aking tapang
  27. Nakita ko ang takot sa mata ng iba
  28. Ayoko na, kaya nagmakaawang pigilan na muna
  29. Ang pananalig, ang siyang nagbalik sa aking pinanggalingan
  30. Kung di ko man marating ang nais marating, basta sinubukan
  31. Mas mabuti pa iyon kesa maging kabibing walang laman
  32. Kaya kung ako ay iyong tatawanan, sige lang tumawa ka diyan
  33. Magpanggap kang nagaalala ka para sa akin
  34. habang tinatabunan mo ang sarili mong mga pagkakamali
  35. Kung ayaw mong masaktan, wag ka nang umimik
  36. Sentido kumon lang yan
  37. Takot kasi ang anaesthesia ng buhay na ito
  38. Ngunit pupuriin ko pa rin ang mga sumasalo ng sugat mo
  39. At tititigan ko sa mata ang mga nagpapatalas ng pansugat mo
  40.  
  41. Minsan, nalaglag ako sa bangin na malalim
  42. Nagkunwari akong ayos lang ang lahat, sa mga nagtanong sa akin
  43. Sariling pagkayamot at dangal ay aking hinalo
  44. Umiiyak sa harap ng salamin habang nakataas ang nguso
  45. Alam kong may tagas ang paso ng aking pagkahumaling
  46. Mga bagay na ayaw, gusto o dapat gawin
  47. Naalala ang lahat ng aking mga nagawa, heto ba’y pamahiin
  48. Hindi ko na maramdaman ang kahit ano nang matino
  49. Baluktot na baluktot ang aking pagkatao
  50. At kahit itambak ko pa ang lahat maruming budhi ng aking puso
  51. Ay tiyak na babalik at balikan lang naman ako
  52. Kaya pilit kong hinanap ang tugon na para bang baliw na tao
  53. Ang tahimik na buhay, isang bagay na hindi para sa akin
  54. Sa lakas ng aking boses ay nagtago ang sariling takot
  55. Sa lahat ng kausap, ako'y nagmataas
  56. Ako'y naligaw, ako'y nahihilo
  57. Di nga ako sigurado kung meron ba talagang naging kaibigan
  58. Di mapaniwalaan ang lagay ng buhay
  59. at di rin makapaniwala na nasisira ang buhay
  60. Di ko makamit ang malinaw na sagot at sa sobrang tagal
  61. ay wala na sigurong lunas na sisipol sa aking konsyensiya
  62. At kahit magpahinga pa buong araw ay sadyang pagod pa rin
  63. Balisa at mapang aping kahapon ang dumurog sa akin
  64. Dahil mula sa bula, patibong at portuna darating ang tukso
  65. At iiwanan akong habang buhay na ulyanin
  66. Kaya
  67.  
  68. Higpitan mo ang iyong kapit bago pa man mawala
  69. Kundi ikaw ay madadapit sa isang dagat na malawak
  70. Nakaukil sa Narra and mga dinadatnang pagsubok
  71. Ikuyom ang iyong kamay at wag mag antay sa isang sulok
  72.  
  73. Masyadong maraming mahalangang bagay ang biglaang maglalaho.
  74. Sa pagmamadali ko,
  75. hindi ko na alam kung sino ba talaga ako,
  76. kung ano ba talaga ako
  77. at kung saan ba dapat ako.
LYRICAL GRADE

RHYME DENSITY

0

RHYME LENGTH

1 syllable
2 syllables
3 syllables
4 syllables
5+ syllables
Word Cloud

What is a Blueprint?

A blueprint is like a report card for your lyrics. It contains a lyrical breakdown and analysis of all the words, syllables, and rhymes in your song.

Learn More >

Cookin' something up, just wait a sec...