Saranggola

• Written by 

Kumislap parang dyamante nung nakita ang ngiti mo, pero/
walang masabi parang talo sa casino
At ang plano kong diskarte na handa na at plantsado
Natulad sa sarangola na hinangin at naglaho/
Hirap na sa trabaho/ puyat pa sa gabi
Mas malakas pa ata tama ng barako na kape/
Pwede ba ako'ng humiling na mapansin at tumabi
Akala ko ang bituin lumalabas lang sa gabi
 
Saranggola ka
na pwede lang makita
kasing taas ng bituin
hindi magiging akin
 
Sana naman masabayan mo, nadarama ko para sa'yo
Hay nako, katoto ko, mali na naman ang pinayo
Tatanungin naman sana, kundi lang sa paru parong nasa tiyan
Parang pinggan, parang corel ikaw ay iingatan
 
Nakabibighani ang iyong ngiti na lumalampas ng langit
Sa’king muka naman ang saya ikaw lang ang makakaguhit
Siguro tamis-asukal ang iyong oo, pero hindi ko matatanong
Ako hetong takot na takot na ikaw ay mapaurong
 
Tiyan ko ay sumusulong
Tulog ko'y giginhawa kung ikaw ang aking kumot
Ako'y magpapadukot kung ikaw ay magnanakaw
Nakakasilaw naman kasi ang tulad mo na bulalakaw
 
Langit at lupa, makipaglaro naman sa akin
Aso at pusa, maghahabol akong matulin
Sa isip ay di maaalis hangga't ika'y pataris taris
Kung pwede lang ang puso ko'y ihagis
 
Saranggola ka
na pwede lang makita
kasing taas ng bituin
hindi magiging akin
 
Kutis na kamatis si miss hindi ko makilatis
Alagang alatiris kaya balat ay sobrang kinis
Puso ko na mamon, tumitibok nang mabilis
Nagagalis lang ito pag iba kasama mo pag-alis
 
Galing langit ka habang ako sa lupa umuupa
Ako siguro ang nawawala na tupa
Kahit pa ako'y masumpa, gagamit ng gayuma
Bagay tayo sabi ng manghuhula
 
Ikaw ang tubig na kailangan nitong langis
Aakyatin ko pa rin ang puno para sa atis
Bangus ka na ubod raw naman ng bangis
Balot ng kaliskis, ilang lalaki nang inekis
 
Buhok na Malabon, pancit na parang bihon
Walang sasang-ayon pag tinawag ka na hipon
Ako'y namimingwit ngunit may butas ang bunbon
Hindi masabayan ang titig niyang Earnie Baron
 
Nanay tatay, gusto kong tinapay,
ate, kuya, wala na pang kape
Lahat ng gusto ko ay paghihirapan ko
Ang magkamali ay paliliumtin ko
 
Eh nakikipag laro ng langit at lupa
 
Monggol na lapis, ikaw lamang ang may punto
Punto? Mukang sinulat mo na ang buhay ko
Hetong nadarama ko para sa iyo
 
 
Tila nabundol ako, sa aking pagkakatama ko sa iyo
 
 
Trapik light pumupumula kapag nakikita ka
Organ donor sa lisensya, puso ko'y para sa kanya
 
 
Hukom kang humatol na ako ay ma-preso
Sentensiya na habang buhay magkasama tayo
 
Sa Interseksyon eh gusto ko nang kumaliwa
Pero ako'y kumanan sa daanan kung san sa tingin ko ay tama
 
— Version 1 —
Sana naman masabayan mo, nadarama ko para sa'yo
Hay nako, katoto ko, mali na naman ang pinayo
Tatanungin naman sana, kundi lang sa paru parong nasa tiyan
Parang pinggan, parang corel ikaw ay iingatan
 
Nakabibighani ang iyong ngiti na lumalampas ng langit
Sa king muka naman ang saya ikaw lang ang makakaguhit
Siguro tamis-asukal ang iyong oo, pero hindi ko matanong
Ako hetong takot na takot na ikaw ay mapaurong
 
Manggas kong walang lukot, buhok mong nakapusod
Tinig at iyong titig ay sadyang nagbubukod
Subukan ko na bumulong nang wala kang marinig
Bulol na patinig, katinig, buksan na ang bibig
 
Binuo na ang luob at ako ay nagsalita
Nahuhulog na ako para sayo, nagulat kang bigla
Ayos na sana ang lahat, bigla kang sumagot
Magkaibigan tayo, hay, di na lang dapat sumagot
 
Magbabago naman ang isip niya,
sana, sige na, pwede ba,
parang awa mo na, baka, diba,
hindi nga, sigurado ka? hala.
 
Ako hetong may bahay, tara magsimula tayo ng buhay
Lulusog sa gulay at iba iba pang bagay
Pwede namang ipagpilit, ako hetong sisingit
Babagayan raw kita, kung sabagay
Para naman tayong magkapitbahay
Subukan kong bumulong nang di mo marinig
Paano kung lumuhod kaya ako dito sa sahig
 
Wagas. Lumabas at ako'y umamin.
 
Ayos na sana, biglang sinabi niya sa akin
Kaibigan lang kita.
Kaibigan. Ka-ibigan?

Feedback & Comments

About the Artist

ignatiusblack
Member since July 28 2014

View the Blueprint (B-)


Cookin' something up, just wait a sec...