BUILDING BLUEPRINT
Next level lyrical insight is a moment away.
Lyrical Analysis of...
Saranggola
- Kumislap parang dyamante nung nakita ang ngiti mo, pero/
- walang masabi parang talo sa casino
- At ang plano kong diskarte na handa na at plantsado
- Natulad sa sarangola na hinangin at naglaho/
- Hirap na sa trabaho/ puyat pa sa gabi
- Mas malakas pa ata tama ng barako na kape/
- Pwede ba ako'ng humiling na mapansin at tumabi
- Akala ko ang bituin lumalabas lang sa gabi
- Saranggola ka
- na pwede lang makita
- kasing taas ng bituin
- hindi magiging akin
- Sana naman masabayan mo, nadarama ko para sa'yo
- Hay nako, katoto ko, mali na naman ang pinayo
- Tatanungin naman sana, kundi lang sa paru parong nasa tiyan
- Parang pinggan, parang corel ikaw ay iingatan
- Nakabibighani ang iyong ngiti na lumalampas ng langit
- Sa’king muka naman ang saya ikaw lang ang makakaguhit
- Siguro tamis asukal ang iyong oo, pero hindi ko matatanong
- Ako hetong takot na takot na ikaw ay mapaurong
- Tiyan ko ay sumusulong
- Tulog ko'y giginhawa kung ikaw ang aking kumot
- Ako'y magpapadukot kung ikaw ay magnanakaw
- Nakakasilaw naman kasi ang tulad mo na bulalakaw
- Langit at lupa, makipaglaro naman sa akin
- Aso at pusa, maghahabol akong matulin
- Sa isip ay di maaalis hangga't ika'y pataris taris
- Kung pwede lang ang puso ko'y ihagis
- Saranggola ka
- na pwede lang makita
- kasing taas ng bituin
- hindi magiging akin
- Kutis na kamatis si miss hindi ko makilatis
- Alagang alatiris kaya balat ay sobrang kinis
- Puso ko na mamon, tumitibok nang mabilis
- Nagagalis lang ito pag iba kasama mo pag alis
- Galing langit ka habang ako sa lupa umuupa
- Ako siguro ang nawawala na tupa
- Kahit pa ako'y masumpa, gagamit ng gayuma
- Bagay tayo sabi ng manghuhula
- Ikaw ang tubig na kailangan nitong langis
- Aakyatin ko pa rin ang puno para sa atis
- Bangus ka na ubod raw naman ng bangis
- Balot ng kaliskis, ilang lalaki nang inekis
- Buhok na Malabon, pancit na parang bihon
- Walang sasang ayon pag tinawag ka na hipon
- Ako'y namimingwit ngunit may butas ang bunbon
- Hindi masabayan ang titig niyang Earnie Baron
- Nanay tatay, gusto kong tinapay,
- ate, kuya, wala na pang kape
- Lahat ng gusto ko ay paghihirapan ko
- Ang magkamali ay paliliumtin ko
- Eh nakikipag laro ng langit at lupa
- Monggol na lapis, ikaw lamang ang may punto
- Punto? Mukang sinulat mo na ang buhay ko
- Hetong nadarama ko para sa iyo
- Tila nabundol ako, sa aking pagkakatama ko sa iyo
- Trapik light pumupumula kapag nakikita ka
- Organ donor sa lisensya, puso ko'y para sa kanya
- Hukom kang humatol na ako ay ma preso
- Sentensiya na habang buhay magkasama tayo
- Sa Interseksyon eh gusto ko nang kumaliwa
- Pero ako'y kumanan sa daanan kung san sa tingin ko ay tama
- —Version 1 —
- Sana naman masabayan mo, nadarama ko para sa'yo
- Hay nako, katoto ko, mali na naman ang pinayo
- Tatanungin naman sana, kundi lang sa paru parong nasa tiyan
- Parang pinggan, parang corel ikaw ay iingatan
- Nakabibighani ang iyong ngiti na lumalampas ng langit
- Sa king muka naman ang saya ikaw lang ang makakaguhit
- Siguro tamis asukal ang iyong oo, pero hindi ko matanong
- Ako hetong takot na takot na ikaw ay mapaurong
- Manggas kong walang lukot, buhok mong nakapusod
- Tinig at iyong titig ay sadyang nagbubukod
- Subukan ko na bumulong nang wala kang marinig
- Bulol na patinig, katinig, buksan na ang bibig
- Binuo na ang luob at ako ay nagsalita
- Nahuhulog na ako para sayo, nagulat kang bigla
- Ayos na sana ang lahat, bigla kang sumagot
- Magkaibigan tayo, hay, di na lang dapat sumagot
- Magbabago naman ang isip niya,
- sana, sige na, pwede ba,
- parang awa mo na, baka, diba,
- hindi nga, sigurado ka? hala.
- Ako hetong may bahay, tara magsimula tayo ng buhay
- Lulusog sa gulay at iba iba pang bagay
- Pwede namang ipagpilit, ako hetong sisingit
- Babagayan raw kita, kung sabagay
- Para naman tayong magkapitbahay
- Subukan kong bumulong nang di mo marinig
- Paano kung lumuhod kaya ako dito sa sahig
- Wagas. Lumabas at ako'y umamin.
- Ayos na sana, biglang sinabi niya sa akin
- Kaibigan lang kita.
- Kaibigan. Ka ibigan?
What is a Blueprint?
A blueprint is like a report card for your lyrics. It contains a lyrical breakdown and analysis of all the words, syllables, and rhymes in your song.
Learn More >