SINASAMBA KITA, AMA

• Written by 

Verse 1:
 
Sinasamba Kita, Ama kong mahal,
Sa Iyong pag-ibig ako'y nabubuhay.
Lahat ng biyaya'y nagmumula sa Iyo,
Pagmamahal Mo'y hindi nagbabago.
 
Verse 2:
 
Sa bawat umaga at bagong liwanag,
Dama ko ang Iyong yakap at paglingap.
Sa bawat pagsubok, Ikaw ang lakas,
Ikaw ang pag-asa sa bawat bukas.
 
Chorus:
 
Sinasamba Kita, Ama kong dakila,
Pinupuri Kita sa tuwi-tuwina.
Lahat ng mabuti ay mula sa Iyo,
Salamat, Ama, sa pag-ibig Mo.
Makapangyarihang Ama, papuri'y sa Iyo,
Sa pamamagitan ng Iyong Hinirang na Anak.
Ang buhay ko ay para sa'yo
 
Verse 3:
 
Ibinigay mo ang kaligtasang ganap,
Iyong ini-alay ang 'yong Hinirang na Anak
Halimbawa at gabay naming lahat
Tanggapin nawa ang aking pasasalamat
 
Bridge:
Ikaw ang pinagmumulan ng pagpapala,
Karunungan, lakas at pag-asa.
Buong puso akong sumasamba,
O Ama kong dakila sa lahat
 
Final Chorus:
 
Sinasamba Kita, Ama kong dakila,
Pinupuri Kita sa tuwi-tuwina.
Lahat ng mabuti ay mula sa Iyo,
Salamat, Ama, sa pag-ibig Mo.
Makapangyarihang Ama, papuri'y sa Iyo,
Sa pamamagitan ng Iyong Hinirang na Anak.
Ang buhay ko ay para sa'yo
 
Coda:
Makapangyarihang Ama, papuri'y sa Iyo,
Sa pamamagitan ng Iyong Hinirang na Anak.
Ang buhay ko ay para sa'yo

Feedback & Comments

About the Artist

LesterTan04
Member since May 20 2020

View the Blueprint (C+)


Cookin' something up, just wait a sec...