HABANG MAY PANAHON
• Written by LesterTan04
Verse 1:
Akala mo’y mahaba pa ang buhay,
Marami pang bukas na naghihintay,
May mga pangarap, may mga ligaya,
May mga sandaling nais hawakan pa.
Verse 2:
Ngunit sino ang tunay na nakakaalam,
Ang pagwawakas ng ating paglalakbay?
Ang buhay ay handog, hindi pag-aari,
Oh kay bilis lamang ng bawat sandali
Pre-Chorus:
Habang may lakas, habang may pagkakataon,
Ang iyong kalooban, sa Kanya'y ituon
Chorus:
Habang may panahon, habang may buhay,
Ang ating kalooban sa Kanya lamang i-alay
Ang Makapangyarihan nating Ama,
Sa pamamagitan ng Kanyang Piniling Anak,
Ay hindi nagkulang, hindi nagbabago
Pag-ibig nya'y naghihintay para sayo
I-alay mo na ang iyong buhay, habang may panahon
Verse 3:
Maaaring bukas ay puno ng pag-asa,
Maaaring marami pang swerte't biyaya,
Ngunit ang buhay ay may hangganan,
At ang oras ay hindi natin mahahawakan.
Verse 4:
Kaya kung may pagkakataong maglingkod,
Kung may pusong kailangang abutin,
Kung may kaluluwang naghahanap ng liwanag,
Huwag nang ipagpaliban ang tawag.
Pre-Chorus:
Huwag nang hintayin ang tamang panahon,
Sapagkat ang tamang oras ay ngayon
Chorus:
Habang may panahon, habang may buhay,
Ang ating kalooban sa Kanya lamang i-alay
Ang Makapangyarihan nating Ama,
Sa pamamagitan ng Kanyang Piniling Anak,
Ay hindi nagkulang, hindi nagbabago
Pag-ibig nya'y naghihintay para sayo
I-alay mo na ang iyong buhay, habang may panahon
Bridge:
Ang nag-alay ng buhay alang-alang sa Ama,
Siya ang tunay na makasusumpong ng buhay.
Ngunit ang naghahangad ng sariling mithiin,
Sa huli’y mawawala rin..
Chorus:
Habang may panahon, habang may buhay,
Ang ating kalooban sa Kanya lamang i-alay
Ang Makapangyarihan nating Ama,
Sa pamamagitan ng Kanyang Piniling Anak,
Ay hindi nagkulang, hindi nagbabago
Pag-ibig nya'y naghihintay para sayo
I-alay mo na ang iyong buhay, habang may panahon
Coda:
Pag-ibig nya'y naghihintay para sayo
I-alay mo ang iyong buhay, habang may panahon
Final Coda:
Pag-ibig nya'y naghihintay para sayo
I-alay mo na ang iyong buhay, habang may panahon
