Mamasapano

• Written by Anonymous

 
Chorus:
Di na maibabalik, ang mga nawala
Di na mababago, ang mga nagawa
Kung pede lang bumalik at ibahin
ang mga naganap di sana sila nawala
Tahimik ang iba para di halata
sinalang sila ng hindi pa handa
apat na put apat na buhay nasayang wala lang pala silang napala
 
 
Verse 1:
Oplan Exodus, Mamasapano, Maguindanano
Kwarentay kwatrong sundalo napatibong at naligaw
kanya kanyang sigawan, komentaryo at pagsisi
mga nasa upuan nagtuturuan lang ng daliri
sino ba dapat managot, kelangan namin ng sagot
 
kung sino ang may kasalanan
kelangan turukan ng nakakamatay na gamot
pero di ito makakatulong kahit ako ay nasasabik
dahil tapos na ang storya, di na sila maibabalik
 
Dear Presidente,
akala ko ba ika'y intelihente?
bakit parang di mo alam timbangin ang laro sa importante
bakit ---parang wala kang pakielam sa pamilya ng mga nasawi
di mo manlang nagawang salubungin sa pali-paran ang mga labi
pasenya na po, baka busy kayo, nakakahiya naman po sa inyo
mga patay na sundalong pilipino lang naman, wag na kayo dumalo
di magagamot ng pera, ang mga sugat na nalikom
Panginoon, ikaw na bahala dahil mahirap na maghilom
ang mga sugat,
mga imaheng tumatak sa isip nung binaril sila sa gubat
mga pangyayare ay nakakagulat
ano iyong masasabe?
kung di mo kaya magsalita pede mo naman isulat
 
Chorus:
Di na maibabalik, ang mga nawala
Di na mababago, ang mga nagawa
Kung pede lang bumalik at ibahin
ang mga naganap di sana sila nawala
Tahimik ang iba para di halata
sinalang sila ng hindi pa handa
apat na put apat na buhay nasayang wala lang pala silang napala
 
Dear Anak,
paalis na ko ng bahay
baka ito na ang huling beses na makikita mo ang tatay
ipangako mo na aalagaan mo ang iyong kapatid at nanay
ipagdasal mo sa Ama na makamit namin ang tagumpay
sumumpa ako sa watawat, ngayon ito na ang aking pagkakataon
na pagsilbihan ang bansa, at gampanan aking misyon
wag na kayong umiyak ito na ang huling halik
di ko kayang ipangako pero sisikapin kong bumalik
 
Dear Itay.
napaaga ata ang balik mo ngayon
di ko lang inasahan na babalik kang nakahiga sa loob ng kahon
aksidente daw ang barilan nung kayo'y nagkita
aksidente kayong napatay, ninakawan ng baril pati pitaka
 
 
 

Feedback & Comments

About the Artist

View the Blueprint (B-)


Cookin' something up, just wait a sec...