BUILDING BLUEPRINT
Next level lyrical insight is a moment away.
Lyrical Analysis of...
Mamasapano
- Chorus:
- Di na maibabalik, ang mga nawala
- Di na mababago, ang mga nagawa
- Kung pede lang bumalik at ibahin
- ang mga naganap di sana sila nawala
- Tahimik ang iba para di halata
- sinalang sila ng hindi pa handa
- apat na put apat na buhay nasayang wala lang pala silang napala
- Verse 1:
- Oplan Exodus, Mamasapano, Maguindanano
- Kwarentay kwatrong sundalo napatibong at naligaw
- kanya kanyang sigawan, komentaryo at pagsisi
- mga nasa upuan nagtuturuan lang ng daliri
- sino ba dapat managot, kelangan namin ng sagot
- kung sino ang may kasalanan
- kelangan turukan ng nakakamatay na gamot
- pero di ito makakatulong kahit ako ay nasasabik
- dahil tapos na ang storya, di na sila maibabalik
- Dear Presidente,
- akala ko ba ika'y intelihente?
- bakit parang di mo alam timbangin ang laro sa importante
- bakit parang wala kang pakielam sa pamilya ng mga nasawi
- di mo manlang nagawang salubungin sa pali paran ang mga labi
- pasenya na po, baka busy kayo, nakakahiya naman po sa inyo
- mga patay na sundalong pilipino lang naman, wag na kayo dumalo
- di magagamot ng pera, ang mga sugat na nalikom
- Panginoon, ikaw na bahala dahil mahirap na maghilom
- ang mga sugat,
- mga imaheng tumatak sa isip nung binaril sila sa gubat
- mga pangyayare ay nakakagulat
- ano iyong masasabe?
- kung di mo kaya magsalita pede mo naman isulat
- Chorus:
- Di na maibabalik, ang mga nawala
- Di na mababago, ang mga nagawa
- Kung pede lang bumalik at ibahin
- ang mga naganap di sana sila nawala
- Tahimik ang iba para di halata
- sinalang sila ng hindi pa handa
- apat na put apat na buhay nasayang wala lang pala silang napala
- Dear Anak,
- paalis na ko ng bahay
- baka ito na ang huling beses na makikita mo ang tatay
- ipangako mo na aalagaan mo ang iyong kapatid at nanay
- ipagdasal mo sa Ama na makamit namin ang tagumpay
- sumumpa ako sa watawat, ngayon ito na ang aking pagkakataon
- na pagsilbihan ang bansa, at gampanan aking misyon
- wag na kayong umiyak ito na ang huling halik
- di ko kayang ipangako pero sisikapin kong bumalik
- Dear Itay.
- napaaga ata ang balik mo ngayon
- di ko lang inasahan na babalik kang nakahiga sa loob ng kahon
- aksidente daw ang barilan nung kayo'y nagkita
- aksidente kayong napatay, ninakawan ng baril pati pitaka
By Anonymous
LYRICAL GRADE
RHYME DENSITY
0
RHYME LENGTH
Word Cloud
What is a Blueprint?
A blueprint is like a report card for your lyrics. It contains a lyrical breakdown and analysis of all the words, syllables, and rhymes in your song.
Learn More >