16 sample (tagalog)
• Written by Anonymous
Hinila ka ng kusa, bigla mo kong tinulak
ako'y nasa lupa, ika'y lumalangoy sa ulap
Sayo ako ay sumabitbit, ako ay kumakapit
matagal na naghintay kaya unti unting nangawit
umaawit, para sayo lahat ay gagawin
nung di na ako kelangan di ka na namamansin
Grabe talaga nabuksan ang mga mata, pinagmuka mo akong
muka na nagmumukang tanga
nabulag ng pagibig dahil ibig pang umibig
nung humimig na ang tinig nadinig na ang katotohanan
naisipan kong isipin na naisip kong sabihin naipilit sa
sarili na di na kita kailangan
umibig sayo's hindi madali, ika'y nagmamadali
di ka humihinto pag sinabing sandali
tumagal ang panahon unti unti ko din nalaman
lahat ay nasayang di ka karapatdapat sa aking kinabukasan
Nung maaraw umulan
nakahiga sa upuan
tahimik nagiisip kung pano mo ako nagawang saktan?
Sinayang mo ang perlas na kinuha sa kabibe
ngayon itutuon ko na ang pansin saking sarili
Nakita kang naglalakad sa may kanto sa tindahan
nakita mo kong nakatingin at matagal nagkatinginan
lumapit ka na may ngiting abot sa ulap
sinubukan mong yumakap pero bigla kitang tinulak
excuse me miss, sino ka ba? sino ba sya?
Pare di ko sya kilala. Wag kang mag alala
buti nalang mabilis akong kumalimot
at iyong mga ngiti, nagbago nang bigla kang sumimangot
pasintabe po, hindi talaga kita kilala
kase Ctrl+A at backspace bigla kang nabura
Bravo, standing ovation, masigabong palakpak
ikaw ang nauna pero sakin parin ang huling halakhak
Feedback & Comments
About the Artist