HARI NG KALUWALHATIAN
• Written by Anonymous
HARI NG KALUWALHATIAN
Sa simula, Ikaw ang salita
Pangalan Mo’y kamangha-mangha
Sa kalagitnaan ng unos
Kinalma Mo ang mga alon
Kapayapaan Mo ang dumaloy
( Ulitin )
Koro 1:
Ikaw ang Hari ng, Hari ng kaluwalhatian
Diyos na makapangyarihan
Lahat ng mga lahi at mga labi
Sila’y magsasabi
Ikaw ang Hari ng kaluwalhatian
Siya’y nagmula sa walang hanggang Ama
Kaharian Niya’y walang wakas
Sa kalagitnaan ng unos
Kinalma Mo ang mga alon
Kapayapaan Mo ang dumaloy ( Ulitin ang Koro 1 )
Koro 2 :
Ikaw ang Hari ng, Hari ng kaluwalhatian
Pangalan Mo’y tanyag at makapangyarihan
Lahat ng mga likha at Iyong gawa
Sila’y magsasabi
Ikaw ang Hari ng Kaluwalhatian
Tulay :
Inalay ang buhay Mo, sa krus Ikaw ay pinako
Ngunit kamatayan ay nabigo
( Ulitin, Koro 1, Koro 2 )
IKAW LANG
Koro 1:
Ikaw lang ang pupurihin ko
Ikaw lng ang iibigin ko
Ikaw lang ang iniisip ko
Ikaw lng, Ikaw lang, Ikaw lang
( Ulitin )
Refrain :
Walang katulad Mo
Ang sa aki’y nakapagbago
Walang papantay
Ang tapat na pag-ibig Mo
Puso kong ito’y inaalay Sayo
Buhay ko Hesus gamitin Mo
Koro 2 :
Ikaw lang ang nasa puso ko
Ikaw lang ang pag-ibig ko
Ikaw lang ang hinahanap ko
Ikaw lang, Ikaw lang, Ikaw lang
( Ulitin )
( Refrain 2x, Adlib, Koro 2 <2x>, Refrain )
DAKILANG GAWA
Hesus ako Sayo’y humahanga
Kamatayan ay hindi inalintana
Tinapos Mong lahat ng kasalanan
Sa Diyos Ikaw ay nawalay buhay Mo’y inalay
Pre – Chorus :
Purihin Ka Hesus, Purihin Ka Hesus
Chorus :
Dahil Sayo’ng ginawa Hesus ako’y malaya na
Tinapos Mo ng lahat – lahat ng pagdurusa
Binuksan Mo ang daan patungo sa Ama
Salamat Hesus sayo’ng dakilang gawa
Pag-ibig Mo sa aki’y ganon na lamang
Tulad ng isang yaman
Kinupkop at iningatan
Liwanag ng araw at kalawakan
Walang hanggang katapusan
Biyaya Mo’y makakamtan
( Pre chorus, Chorus )