Kalikasan
• Written by Alliah
Maraming mga kabanata ang nasasagupa
Mga problema'y kelan pa ba huhupa
Mga tao sa mundo natin ay di na naawa
Sa inang mundo nating malapit nang masira
Mga trahedyang humagupit
Mga kamalasang sinasapit
Mga bagay na ginugugol
Isip mo na buhol buhol!
Sa paksa nating ito
Lagi na lamang bang gan'to
Suliranin ng ating mundo
Dapat wakasan na natin ito
Ganti ng kalikasan
Mas matindeng nararanasan
Buhay sa kasalukuyan
Iba na sa nakasanayan
Kaya sana'y ating mapag tanto
At dapat mag kaisa tayo
Sana'y sama-sama nating tugunan
Ang halos walang lunas na karamdaman
Sa awitin nating ito
Sana'y maliwanagan din kayo!
Dahil sa sinilangan nating mundo
Gandang mala-paraiso
(Chorus)
Patawarin mo kami inang mundo
Sa mga nagawa naming ito
Di namin sinasadya na kayo'y masira
Patawarin mo kami.. Inang mundo..
Ang kalikasan ay regalo ng ating may kapal
Dapat lang pangalagaan at bigyan ng pag mamahal
Hindi dapat maging abuso
Tulad ng ginawa ng tao
Dahil pag mundo ay nasira
Kasama tayong mawawala
Kapag sinira mo ang kapaligiran
Sinira mo na rin ang buhay ng ilan
Ganda ng kalikasan
Gandang hindi pagsisisihan
Siguradong makikinabang din
Pati ang kinabukasan
Tingnan mong mabuti sadyang magandang tunay
At nagbibigay ng ginhawa sa ating buhay
Mga tao'y gumawa ng mga solusyon
Nang sa ganon ay mabawasan din ang polusyon
Kailangan pa bang may mangyaring masama
Upang tayo'y magtanda
Sa daming nangyayari
Di ka pa ba naaawa
Mala dilubyong nananalasa
Katulad lang natin na naninira
Sa pagkakataon nating ito
Sana'y maayos din ang ating mundo
(Chorus)
Patawarin mo kami inang mundo
Sa mga nagawa naming ito
Di namin sinasadya na kayo'y masira
Patawarin mo kami.. Inang mundo..