Untitled Song
• Written by Anonymous
Meron akong kwento hindi to imbento
tunkol sa mga pilipino na nag sasakayan sa eroplano
iiwan ang pamilya para lumaki ang kita
nag dadasal sa gilid na sana ma pasa ang kanyang VISA
all the way from maynila o baklaran
pumuntang paliparan at doon na nagpaalam
yumakap sa asawa at nagiyakan
biglang sabi "sandali lang ito, uuwi rin ako,"
magsisikap para sa kanilang kinabukasan
wala na ang pamilya sa tabi pag gising kina-bukasan
basta may trabaho. ito ay totoo
inaabot natin kahit anong sulok ng mundo
Taiwan, Japan, Middle East o Amerika
pupuntahan at magta-trabaho ng para bang makina
pinipilit kinakaya nya, para lumaki ang kita nya, para sa pamilya nya,
kahit nanghihina na, tatlo ang trabaho nya
Pag sahod diretso padala
para sa sarili nya wala nang tinira
ang asawa nya nagpa-party ng sosyal
nag tong-its at nagsugal
at si misis nagpadala ng sulat nangangamusta
at nung binasa nya eto pa ang sabi nya
"asawa ko miss na kita, kelan ulit ang sunod na padala?"
May mga tao namang nanghihingi ng tulong
kahit bagong sapatos oh isang kahon ng pasalubong
pera ay hindi pinupulot
sa kakatrabaho nagmumuka nang lumot
lumayo sa pamilya para mga pangarap makamit
tapos nanghihingi ka pa ng mga branded na damit?
Di naman yon masama pero o heto
pero kapatid matuto ka naman tsyumempo
matutong rumespeto, sa mga pilipinong
nagsisilbing ehemplo
sa maitim na korupsyon ng ating gobyerno
talanka, sa pilipinas madami yan
gobyerno yung sandwich kami naman yung palaman
traffic dito at mainit, pilit pa kaming inipit kulan ang kita sa bansang kinalakihan
Aring king king, wala paring sagot sa mga tanong
ang mga alimangong pa-kitong kitong na naka barong
di na kayo nahiya, tagal na naming halata
dahan dahan lang baka ikay madapa
sa watawat nanumpa
pero wala naman syang nagawa
nakaupo lang sya sa gilid namumuka nang palaka
Overseas FIlipino Wokers. They suffer
but in the midst of the distance they became tougher
They should be recognized as the real heroes
they left their loved ones just to remove em from the ghetto