Salamin, Salamin
• Written by user900463622
Recording:View Fullscreen
Lyrics:
(Verse 1)
Oh, hello there, misteryoso
'Di pa rin mabasa ang 'yong tunay na motibo, oh
Iba'ng pinapakita taliwas sa'yong salita
Pero ayokong magduda baka lang sa simula
Maghihintay na lang na ika'y dumaan
Sana ay maibsan ang aking pangungulila
Trapped in this fairytale
But I don't wanna wake up in this dream, baby
(Refrain)
Ayokong umasa sa paniniwalang
May pag-asa nga ba
Ma baka ang puso ko'y mapagbigyan
(Chorus)
Mahiwagang salamin kailan ba niya aaminin
Kaniyang tunay na pagtingin
Mahiwagang salamin ano ba'ng dapat gawin
Bakit ang puso'y nabibitin
Salamin, salamin sa dingding nasa'n na ang pag-ibig?
Salamin, salamin sa dingding pwede mo bang sabihin?
Salamin, salamin sa dingding nasa'n na ang pag-ibig?
Salamin, salamin kailan niya ba 'ko papansinin?
(Verse 2)
Ayokong maniwala (Ayokong maniwala, ey)
Na baka mabalewala (Oh no, oh no)
Pero sa'yong sulyap mga mata'y nangungusap
'Di ko kayang magpanggap ano ba talaga ito
Maghihintay na lang na ika'y dumaan
Sana ay maibsan ang aking pangungulila
Trapped in this fairytale
But I don't wanna wake up in this dream, baby
(Refrain)
Ayokong umasa sa paniniwalang
May pag-asa nga ba
Na baka ang puso ko'y mapagbigyan
(Chorus)
Mahiwagang salamin kailan ba niya aaminin
Kaniyang tunay na pagtingin
Mahiwagang salamin ano ba'ng dapat gawin
Bakit ang puso'y nabibitin
Salamin, salamin sa dingding nasa'n na ang pag-ibig?
Salamin, salamin sa dingding pwede mo bang sabihin?
Salamin, salamin sa dingding nasa'n na ang pag-ibig?
Salamin salamin kailan niya ba 'ko papansinin?
(Bridge)
Mirror, mirror on the wall
Please tell my prince charming I'm waiting for his call
Bakit ba pasikot-sikot para bang pinapaikot
'Di ko talaga ma-gets ano ba talaga ang next move mo
Gusto ko lang naman malaman (Malaman)
Ano ba ang katotohanan (Oh, my)
Better say it now it's not too late
I'm ready to be called your princess hey (Hey)
(Refrain)
Ayokong umasa sa paniniwalang
May pag-asa nga ba
Na baka ang puso ko'y mapagbigyan
(Chorus)
Mahiwagang salamin kailan ba niya aaminin (Oh, aaminin)
Kaniyang tunay na pagtingin (Ano bang sasabihin)
Mahiwagang salamin ano bang dapat gawin (Gawin)
Bakit ang puso'y nabibitin
Salamin, salamin sa dingding nasa'n na ang pag-ibig? (Salamin, salamin, salamin ano bang gawin)
Salamin, salamin sa dingding pwede mo bang sabihin?
Salamin, salamin sa dingding nasa'n na ang pag-ibig?
Salamin, salamin kailan niya ba 'ko papansinin? (Oh)