Laklak

• Written by 

Recording:View Fullscreen

Attached media not accessible.

The owner took it down or changed the settings to private.

--:--

Lyrics:

(Verse 1)
Nagsimula sa patikim-tikim, pinilit kong gustuhin
Bisyo'y nagsimulang lumalim
Kaya ngayon ang hirap tanggalin
 
(Chorus)
Kabilin-bilinan ng lola
'Wag nang uminom ng serbesa
Ito'y hindi inumin pang bata
Mag-softdrinks ka na lang muna
Pero ngayon ako'y matanda na
Lola, pahingi ng pang-toma
Ayan na nga, tumataas na ang amats ko
Kasi laklak, maghapon, magdamag
 
(Verse 2)
'Di bali nang hindi kumain
Basta may tomang nakahain
Ang sabi ng lasinggo sa amin
Pare, shumat ka muna
 
(Chorus)
Kabilin-bilinan ng lola
'Wag nang uminom ng serbesa
Ito'y hindi inumin pang bata
Mag-softdrinks ka na lang muna
Pero ngayon ako'y matanda na
Lola, pahingi ng pang-toma
Oh, nako, nahihilo na ako
Kasi laklak, maghapon, magdamag
 
(Chorus)
Kabilin-bilinan ng lola
'Wag nang uminom ng serbesa
Ito'y hindi inumin pang bata
Mag-softdrinks ka na lang muna
Pero ngayon ako'y matanda na
Lola, pahingi ng pang-toma
Oh Diyos ko, nasusuka na ako
Kasi laklak, maghapon, magdamag
 
(Coda)
Laklak ka nang laklak, mukha ka nang parak

Feedback & Comments

About the Artist

user900463622
Member since May 8 2024

View Play Counts


Cookin' something up, just wait a sec...