Untitled Song
• Written by Anonymous
Bakit nga ba? bakit ba ang hirap tumayo
pag nalapit sa kasalanan parang ang hirap lumayo
san ba ko pupunta, pakaliwa ba o pa-kanan
parang nahulog sa balon at naputol ang hagdanan
sa bandang kalagitnaan, minsan ang hirap tumaas
nasa sariling palabas pero di ka makalabas,
ang buhay mo ay pelikula ikaw ang bidang actor
para maiba ang direksyon wag ka na mag direktor
di ito binabalewala
ang pagpupursige dagdagan ng tiyaga
dapat maalala Kanyang paalala
itoy higit pa sa aking babala
hakbang paakyat, wag puro pababa
puro salita kelangan may gawa
alamin ang gawin harap sa salamin
dibaleng mali kesa walang nagawa
minsan ito'y nakakalito
maraming nagsisibukasang pinto
san ang tamang daan, wag pakakawalan
ang pagkakataong syay iyong mahagkan
at higit sa lahat, magsumikap umangat
para sa pamilya at sating sariling balat
Patibayin, ang pananalig mo
Ang problema, ipanalangin mo
Panahon na para itigil ang ligalig mo
Pananampalataya ipanumbalik mo
Bakit nga ba, bakit ba ang hirap huminto
parang nawalan ng preno't di makalabas sa pinto
kase masyadong mabilis ang pag takbo
at ang utak ay tuliro
mga ilaw ay naglalaro
diredirertso ang pagtira parang noche buena sa shabu
Ang haba ng guhit lahat sinukit pagdating sa dulo sabay hachooo
Feedback & Comments
About the Artist